^

PM Sports

QubicaAMF Bowling World Cup Arles pasok na sa quarterfinals

Pang-masa

KRASNOYARSK, Rus­sia--Napanatili ni Maria Lourdes (Mades) Arles ang magandang ipinakikita sa 49th Qubica AMF Bowling World Cup para umabante sa quarterfinals sa women’s division na idina-daos dito.

Walo pang laro ang hinarap ng mga kasali at si Arles ay nakagawa na ng 7,392 pinfals para malagay sa ikaapat na puwesto.

Si Caroline Lagrange ng Canada ang nangu­nguna sa 7,809 kasunod si Aumi Guerra ng Dominican Republic (7,689) at Danielle McEwan ng US (7,571).

Sina Cherie Tan ng Singapore (7,373), Roosa Lunden ng Finland (7,326), Thashaina Seraus ng Aruba (7.227) at Luminita Farkas Bucin ng Romania (7,134) ang kukumpleto sa walong bowlers na nasa quarterfinals.

Walong laro uli ang haharapin ng mga ito para madetermina ang nangu­ngunang tatlong bowlers na maglalaban sa semifinals at finals.

Tanging si Arles na lamang ang sasandalan ng bansa dahil napatalsik na si Benshir Layoso sa men’s division nang tumapos lamang sa 17th puwesto sa 24 qualifiers sa 7,390.

Si Peter Hellstrom ng Sweden ang nagdodo mina sa qualifying stage matapos maglista ng 5892 pinfalls para sa kanyang 245.50 average. 

AUMI GUERRA

BENSHIR LAYOSO

BOWLING WORLD CUP

DOMINICAN REPUBLIC

LUMINITA FARKAS BUCIN

MARIA LOURDES

ROOSA LUNDEN

SI CAROLINE LAGRANGE

SI PETER HELLSTROM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with