Nowitzki nalampasan na si Miller sa scoring list

DALLAS – Nalampasan na ni Dirk Nowitzki si Reggie Miller sa NBA scoring list.

Gumawa si Nowitzki ng free-throw matapos tawagan ng technical foul si  Dwight Howard ng Houston nitong Miyerkules ng gabi para umabot sa 25,280 points at okupahan ang 15th place.

Umiskor si Miller, ikalawang pinakamahusay na 3-point shooter sa likod ni Ray Allen ng 25,279 points sa 18 seasons sa Indiana mula 1987 hanggang 2005.

Ang 35-year-old gulang na si Nowitzki ay nasa kanyang ika-16th season na sa Mavericks. Siya ay franchise leader sa mga major offensive category.

 

Show comments