4-sunod sa Miami

MIAMI – Umiskor si Chris Bosh ng 19 points, kumamada si Mario Chalmers ng personal 9-0 run sa 39-second spurt sa pivotal third quarter nang igupo ng Miami Heat ang Atlanta Hawks, 104-88, nitong Martes para sa kanilang ikaapat na sunod na panalo.

Nagtala si Bosh ng 8-of-9 para sa Heat na nakakuha ng 17 points mula kay Ray Allen at 13 mula kay LeBron James.

Ang 15-2 run sa third quarter ang nagbigay ng kaluwagan sa Miami sa gabing hindi nila naasahan si Dwyane Wade na pinagpahinga.

Umiskor si Mike Scott ng 15 points at humatak ng 10 rebounds para sa Atlanta na nakakuha ng tig-12 points puntos mula kina Al Horford at Pero Antic.

Sa Houston, kumamada si Terrence Jones ng career-high 24 points at humatak ng nine rebounds upang pamunuan ang Houston kontra sa Boston, 109-85 para sa kanilang ikatlong sunod na tagumpay.

Show comments