^

PM Sports

Lacuna kasama sa Myanmar SEAG

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Idinagdag pa sa Philippine delegation patungong Myanmar SEA Games ang London Olympics veteran na si  Jessie King Lacuna.

Pumayag sina POC president Jose Cojuangco Jr; at PSC chairman Ricardo Garcia na idagdag si Lacuna para maging ikaapat na tanker lamang ng bansa na lalaban sa SEA Games ngayong Dec. 11-22.

“Ok na si Jessie sa delegation,” wika ni Chief of Mission Jeff Tamayo.

Itinulak ni swimming president Mark Joseph si Lacuna na ang pangalan ay isinama na sa entry-by-names na ipinadala ng POC sa Myanmar SEA Organizing Committee noong Oktubre.

Ngunit nabitin ang pagsama ni Lacuna dahil hindi ito nagkamedalya sa Palembang SEA Games sa Indonesia noong 2011.

Tumapos lamang sa pilak si Lacuna sa paboritong 200m freestyle event. Nagkaroon din siya ng dalawang bronze medals nang napabilang sa 4x100m at 4x200m freestyle relay teams.

Si Lacuna ang magiging ikatlong male swimmer sa delegasyon dahil nauna nang pinahintulutan ang Fil-Ams na sina Joshua Bada Hall at Matt Louis Abad Navata habang ang London Olympian na si Jasmine Alkhaldi ang natatanging lady tanker na isasali ng bansa.

CHIEF OF MISSION JEFF TAMAYO

JASMINE ALKHALDI

JESSIE KING LACUNA

JOSE COJUANGCO JR

JOSHUA BADA HALL

LONDON OLYMPIAN

LONDON OLYMPICS

MARK JOSEPH

MATT LOUIS ABAD NAVATA

MYANMAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with