MANILA, Philippines - Kagaya ng dapat asahan, muling ipinagyabang ni Brandon ‘Bam Bam’ Rios na siya ang bokÂsiÂngeÂÂrong magtutulak kay ManÂÂny Pacquiao upang magÂretiro sa boxing.
Sa isang panayam, siÂnabi ni Rios na ang kanyang knockout victory kay Pacquiao ang siyang magÂpaparetiro sa FilipiÂno world eight-division chamÂpion.
“What am I going to do? I am going to have to beat Pacquiao. Maybe he will retire after that we don’t know,†wika ni RiÂos. “But I am going to go over there and do what I have to do and beat him and come out as the winner.â€
Maglalaban sina Pacquiao at Rios para sa World Boxing Organization (WBO) International welÂterweight crown sa NobÂyembre 24 sa The VeÂneÂtian sa Macau, China.
Walang ibang nasa isip ang 27-anyos na si RiÂÂos, ang dating WBO light welterweight titlist, kunÂdi ang pabagsakin ang 34-anyos na si Pacquiao.
“If I beat him convinÂcingly and knock him out, maybe he will retire. Two big knockouts could hurt him,†ani Rios.
Ayon pa kay Rios, nagÂwakas na ang makulay na boxing career ni PacÂquiao nang mabigo kiÂna Timothy Bradley, Jr. at Juan Manuel Marquez noÂong nakaraang taon.
Natalo si Pacquiao kay Bradley sa isang kontroÂbersyal na split decision kung saan inagaw ng huli ang hawak niyang WBO welterweight belt noong Hunyo 9, 2012.
Pinatumba naman siya ni Marquez sa sixth round sa kanilang pang-apat na pagÂtatagpo noong DisÂyemÂÂÂÂbre 8, 2012.