Smith baka pagmultahin uli dahil sa kanyang TwItter

NEW YORK -- Nalagay na naman sa alanganin si J.R. Smith dahil sa  Twitter.

May bagong problema na naman si New York Knicks guard J.R. Smith, nauna nang namultahan ng $25,000 ng NBA noong nakaraang taon dahil sa kanyang maaanghang na tweet.

Ito ay matapos ang kanilang sagutan ni Detroit Pistons’ guard Brandon Jennings na may kasama pang pananakot.

“I’m always in trouble with Twitter,’’ sabi ni Smith bago ang laro ng Knicks at Houston Rockets. “I don’t know what it is. Trying to shake it.’’

Nagkomento si Jennings ukol sa nakababatang kapatid ni Smith na si Chris na naglalaro rin sa Knicks.

Sinabi ni Jennings na nakapaglaro si Chris Smith sa NBA kumpara kina Pooh Jeter at Bobby Brown.

Ayon kay J.R. Smith, pagod na siya sa pambabastos ng mga tao sa kanyang kapatid at binantaan si Jennings na maaaring may mangyari sa kanya.

Ngunit pinabulaanan naman ni J.R. Smith na may masama siyang plano kay Jennings.

“There’s a way to threaten somebody and that’s not the way, to publicly threaten somebody,’’ sabi ni J.R. Smith.

 

Show comments