Ball boy isusubasta ang sapatos ni Jordan
SALT LAKE CITY – Applesause kapalit ng Sapatos ni Michael Jordan.
Naging kaibigan ng ball boy na si Preston Truman si Jordan nang ikuha niya ito ng kanyang paboritong meryenda. Makalipas ang ilang taon, nagdesisyon siyang ibenta ang sapatos ni Jordan na ginamit niya sa kanyang di malilimutang ‘flu game’ noong 1997 NBA finals.

Nang umabot ang Chicago sa finals, naghanda ng maraming applesause si Truman at nag-request kay Jordan.
“Are you doing anything with your shoes after the game?†tanong ni Truman kay Jordan.
Tiningnan siya ni Jordan at tinanong, “Why, you want them?’’
Matapos ihatid ang Bulls sa kritikal na panalo sa pagkamada ng 38-points bagamat kinailangan siyang tulungan ng kanyang mga Teammates, ibinigay ni Jordan ang red-and-black shoes kay Truman.


Itinago ng 35-gulang na si
Truman sa safe-deposit box sa Utah bank ng 15-taon ang sapatos at ngayon ay ilalabas na niya ito.
Ayon sa The Associated Press, original ang size-13 na sapatos. Ayon sa Grey Flannel Auctions isusubasta ito sa online sa Nov. 18-Dec. 11. At ang bidding ay magsisimula sa $5,000.
- Latest