Spoelstra humingi ng tulong para sa mga Yolanda Victims

MIAMI – Nanawagan ang Fil-Am na si Miami Heat coach Erik Spoelstra  para magbigay ng tulong sa UNICEF para sa mga binagyo sa Pilipinas.

Ang nanay ni Spoelstra ay mula sa Philippines na binayo noong Biyernes ng super typhoon Haiyan na ikinamatay ng marami, ikinasira ng maraming taha-nan at ngayon ay marami nang nagugutom, nauuhaw at nagkakasakit.

“Just helping right now has its own challenges,’’ sabi ni Spoelstra sa ipinalabas niyang video. “There’s a long road ahead.’’



Ilang beses nang bumisita sa Pinas si Spoelstra ngunit hindi pa niya nararating ang Tacloban na lubhang naapektuhan ng bagyo.

 Ang mga kaibigan at kamag-anak ni Spoelstra ay hindi lubhang naapektuhan ng bagyo.

“Devastation caused by the recent typhoon in the Philippines has been catastrophic and millions of children have been impacted,’’ sabi pa ni Spoelstra.

Ang Miami Heat katulong ang Carnival Corporation ay nangako ng hindi bababa sa $1 million.

Nauna nang nag-donate ang NBA ng $250,000 sa UNICEF upang makatulong at nagbigay uli ng parehong halaga para sa ikalawang donasyon.

Show comments