^

PM Sports

UAAP tutulong din sa Yolanda victims

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bubuksan ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang mga aksyon sa Season 76 second semester sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon sa mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’ sa opening ceremony para sa volleyball sa Disyembre 1 sa Smart Araneta Coliseum.

Sa Nobyembre 30, makikipagtulungan ang Season 76 host Adamson University sa Malolos City local go-vernment sa pamamagitan ni Mayor Christian Natividad para sa isang fund-raising exhibition basketball match sa pagitan ng Soaring Falcons at ng Philippine Basketball Association Legends na babanderahan nina ex-Adamson stars Kenneth Duremdes at Marlou Aquino.

Ang malilikom na pondo sa event na nakatakda sa alas-6 ng gabi sa Malolos City gym ay ibibigay sa mga Yolanda victims.

Angkop na seremonya para sa volleyball competitions ang itinakda ng UAAP, ngunit ayon kay Season 76 secretary-treasurer Malou Isip ng Adamson University, ibibigay ng liga ang P300,000 sa Sagip Kapamilya ng ABS-CBN.

ADAMSON UNIVERSITY

KENNETH DUREMDES

MALOLOS CITY

MALOU ISIP

MARLOU AQUINO

MAYOR CHRISTIAN NATIVIDAD

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION LEGENDS

SA NOBYEMBRE

SAGIP KAPAMILYA

SMART ARANETA COLISEUM

SOARING FALCONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with