Smart sumuporta sa Shakey’s V-League All Star Weekend

MANILA, Philippines - Susuportahan ng Smart Communications, ang kauna-una-hang Shakey’s All Star Weekend sa Sabado at Linggo na magtatampok sa mga pinakamahuhusay na volleybelles sa nakaraang 10-taon ng liga.

Ang event ay magsisilbi ring fund-raiser para sa mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’.

Walo sa sampung players na ibinoto bilang pinakapopular sa unang 10 taon ng liga ay makikita sa aksyon sa The Arena sa San Juan.

Ang mga tiket para sa November 16 event ay P50 (free seating) at mabibili sa The Arena gates simula sa alas-7 ng umaga, habang ang mga tiket para sa Nobyembre 17 ay P350 (ringside), P250 (lower box) at P100 (upper box) at P300, P200 at P50, ayon sa pagkakasunod, para sa mga panghapong activities.

Show comments