^

PM Sports

May pag-asa sa poomsae sa Myanmar SEA Games

Pang-masa

MANILA, Philippines - Senyales ng isang matagumpay na kampanya sa Myanmar SEA Games ang produktibong resulta ng ipi­nadalang poomsae team sa idinaos na 8th World Poomsae Championships sa Bali, Indonesia.

Matatandaan na nanalo ang Pilipinas ng tatlong ginto, dalawang pilak at isang bronze medal sa World Cham­pionships upang tumapos sa ikatlong puwesto sa overall.

“Sasali tayo sa SEA Games galing sa World Championships. Nasa 50 countries ang kasali rito at Olympics ng poomsae kaya maganda ang nakikita kong ka­lalabasan sa Myanmar,” wika ni national head coach Igor Mella na nakasama ang mga poomsae jins na sina Janice Lag­man, Rani Ortega at Jocel Lyn Ninobla bukod kay John Paul Lizardo sa PSA Forum.

Si Mikaela Calamba na hindi nakadalo sa forum, ay nanalo ng dalawang ginto at siya ang makakasama nina Lagman at Ortega na lalaban sa women’s team.

Nanalo ng apat na ginto ang taekwondo sa Palembang SEA Games noong 2011 at isa rito ay galing sa poomsae na ibinigay ng women’s team nina Lagman, Ortega at Camille Alarilla.

Nakikita naman nina Lagman at Ortega, mga da­ting world champions, na mapapalaban ang Pilipinas dahil gumaling ang ibang SEA countries katulad ng Vietnam na pumangalawa sa overall at ang Thailand at Indonesia na nasa top ten.

“Myanmar is hiding and did not participate in the World Championships. We are excited but not underestimating our rivals and we are working hard in trai­ning,” paniniyak ni Lagman.

Hindi naman magpapahuli ang mga jins na sasa­lang sa sparring at magsisikap na mapantayan o hi­gitan ang tatlong ginto na nakuha sa Indonesia.

Si Kirstie  Elaine Alora lamang ang babalik na nag­dedepensang kampeon sa Myanmar pero hindi mag­papahuli ang ibang kasamahan na binigyan ng ma­tinding pagsasanay sa buong taon.

Ang Asian Youth Games gold medalist Pauline Lo­­pez, Samuel Morrison at rookie Francis Aaron Ago­jo ang mga iba pang palaban sa ginto.  Si Agojo ang ma­ka­kahalili ni Lizardo, kampeon noong 2011, na may ini­indang hamstring avulsion injury sa kaliwang paa na nakuha sa World Championships noong Hulyo.

“There is no secret in taekwondo except to train hard. We never stop training so our chances of winning in the SEA Games is very good,” ani Mella. (AT)

ANG ASIAN YOUTH GAMES

CAMILLE ALARILLA

ELAINE ALORA

FRANCIS AARON AGO

LAGMAN

MYANMAR

ORTEGA

SHY

WORLD CHAMPIONSHIPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with