^

PM Sports

Bench scoring ang kailangan para makabalik sa serye Knights tatabla sa Red Lions sa game 2

ATan - Pang-masa

LARO BUKAS

(Mall of Asia Arena, Pasay City)

12:30 p.m. CSB-LSGH vs San Beda (Juniors, Game 2)

2:30 p.m. San Beda vs Letran (Seniors, Game 2)

 

MANILA, Philippines - Kailangan ng Letran College ang bench sco­ring kung na­is nilang ma­nati­ling bu­hay ang paghahabol sa kampeonato sa 89th NCAA men’s basketball championship.

Ang bagay na ito ay na­wala sa Game O­ne no­ong Lunes na nagpalasap sa kanila ng 68-80 kabigu­an sa San Beda.

Sina Mark Cruz, Raymond Almazan at Kevin Ra­cal ay naghatid ng 22, 16 at 12 puntos pero ang mga bench players na sina Jo­nathan Belorio, John Tam­beling at Jamil Gaba­wan ay nagtala lamang ng 12 puntos sa bench.

Muntik nang tapatan ni John Ludovice ang bench points ng Knights sa kanyang 11 puntos at ang Red Lions ay may 37 puntos sa kabuuan.

“I told them (bench) that we can’t rely too much on our starters,” wi­ka ni Letran coach Caloy Garcia.

“We only lost Game One but we can bounce back if we win game two,” dagdag ni Garcia na pu­malit kay Louie Alas sa taong ito.

Dikitan ang first half pe­ro umarangkada ang Knights sa ikatlong yugto nang kumawala ng 14 pun­tos si Almazan, habang walo ang ibinigay ni Cruz upang hawakan pa ng koponan ang 53-47 ben­tahe.

Ngunit tanging si Cruz (6 puntos) ang gumana sa huling yugto, habang ang San Beda ay sumakay sa pinagsamang limang tres nina Baser Amer at Lu­dovice at pitong puntos ni Ola Adeogun tungo sa 33-15 palitan sa huling sampung minuto ng labanan.

Sa kabilang banda, ga­gawin din ng Red Lions ang lahat ng makakaya pa­ra makumpleto ang 2-0 sweep sa Game Two bukas sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“We only won one game and it’s not yet over. We will again be ready for Letran on Thursday,” pa­­niniyak ni San Beda coach Boyet Fernandez.

Samantala, iniha­yag ng NCAA na magbibigay sila ng P100,000.00 bilang tulong sa mga nabiktima ng super typhoon na ‘Yolanda’.

Ang pera ay ibi­bigay nila sa Alagang Kapatid Foundation Inc. ng TV5 na nagsasagawa ng fund-raising para sa mga ­bik­­tima ng bagyo.

ALAGANG KAPATID FOUNDATION INC

BASER AMER

BOYET FERNANDEZ

LETRAN

MALL OF ASIA ARENA

PASAY CITY

RED LIONS

SAN BEDA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with