^

PM Sports

Cone, Trillo. Black naglalaban para sa PBAPC Coach of the Year

Pang-masa

MANILA, Philippines - Makakalaban ni Luigi Trillo, ang rookie coach na gumiya sa Alaska sa Commissioner’s Cup title sa nakaraang PBA Season, sina Grand Slam winners Norman Black ng Talk ‘N Text at Tim Cone ng San Mig Coffee para sa PBA Press Corps’ Coach of the Year award.

Tinulungan ni Black, nagbigay ng Triple Crown sa San Miguel noong 1989, ang Tropang Texters para sa ikatlong sunod na PBA Philippine Cup, habang iginiya ni Cone, nakakuha ng Grand Slam noong 1996 para sa Alaska, ang Mixers sa Governors’ Cup title.

Ang Coach of the Year award ang isa mga tampok sa “A Banquet of Heroes” ng PBAPC na inihahandog ng Meralco sa Martes sa Wack Wack sa Mandalu-yong City.

Pag-aagawan din sa programang magsisimula sa alas-7 ng gabi sa Banquet B ng Wack Wack ang Executive of the Year trophy kung saan paboritong manalo ang Team PBA na pinamumunuan nina chair Robert Non, commissioner Chito Salud at Gilas-Pilipinas backer Manny V. Pangilinan ng Talk ‘N Text.

Bukod sa una niyang PBA crown sa kanyang ikatlong komperensya, inakay din ni Trillo ang Alaska sa pinakamagandang winning percentage noong nakaraang season, ayon kay chief PBA sta-tistician at PBAPC member Fidel Mangonon III.

Ang .636 winning percentage ng Aces para sa kanilang 35-20 record ang tumabon sa .625 (35-21) ng Talk ‘N Text ni Black.

Tumapos naman ang Mixers ni Cone na may 38-26 record para sa .594 clip para sa ikatlong puwesto.

 

A BANQUET OF HEROES

ANG COACH OF THE YEAR

BANQUET B

CHITO SALUD

COACH OF THE YEAR

EXECUTIVE OF THE YEAR

GRAND SLAM

N TEXT

WACK WACK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with