Patuloy ang progreso ni Kobe Bryant

LOS ANGELES — Sinabi ni Kobe Bryant na pa-tuloy ang progreso ng kanyang injury recovery, ngunit ilang linggo pa bago makakabalik sa court ang Los Angeles Lakers star.



Sinabi ni Bryant bago ang laro noong Biyernes kontra sa San Antonio Spurs na nakakatakbo na siya sa flat na sahig at nag-i-improve na ang flexibility sa kanyang ankle.



Hindi pa rin nagsasabi si Bryant ng kanyang araw ng pagbabalik ngunit sinabi niyang kailangan na lang niya ng ilang linggong pagpapakondisyon bago magbalik sa pagpa-practice.

Napunit ang Achilles tendon ng fourth-leading scorer sa NBA history noong April.



Sinabi ni Bryant na habang hindi pa nakakalaro ay tinuturuan niya ang kanyang mga batang teammates, partikular sina Nick Young, Wes Johnson at Xavier Henry.


Show comments