MANILA, Philippines - Kinumpleto ni Luis GabÂriel Moreno ang maÂgandang laro para maÂkaÂsama si Bianco GoÂtuaco sa 2014 Youth OlymÂpic Games sa archery competition.
Sumali ang dalawang batang recurve archers na nakilala sa paglahok sa Batang Pinoy sa YOG Continental Quota TourÂnaÂment na isinabay sa Asian Archery ChampionÂships sa Chinese-Taipei at naÂkuha ni Moreno ang ginÂto, habang pilak ang ibiÂnigay ni Gotuaco.
Pinangunahan ni MoÂreno, apo ni ‘Master ShowÂman’ host German MoÂreno, ang qualification tangan ang 614 puntos at tinalo sa semifinals si Prennoy Murong ng Bangladesh, 6-2.
Si Indonesian archer Panjiaji Bukhori Rahmat ang nakaharap ng 15-anÂyos na si Moreno at lumabas ang pinakamahusay niÂyang porma para sa 6-0 taÂgumpay.
Muntik nang maka-daÂlawang ginto ang Pilipinas pero minalas si GotuaÂco na natalo ni Aruzhan Abrazak ng Kazakhstan sa one-arrow shootoff, 9-8, para isuko ang 5-6 pagÂkatalo.
Si Gotuaco na may 614 puntos sa qualification kasunod ang 626 ni AbÂrazak, ay nakapasok sa finals sa 6-2 panalo kay Oyuntungalag Chimedtseren ng Mongolia.
Isa pang lahok ng PiÂlipinas na si John Philip SanÂtiago ay umabante peÂÂro tumapos siya sa ika-15th puwesto.