^

PM Sports

Apo ni ‘Kuya Germs’ nakakuha ng tiket para sa 2014 Youth Olympic Games

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinumpleto ni Luis Gab­riel Moreno ang ma­gandang laro para ma­ka­sama si Bianco Go­tuaco sa 2014 Youth Olym­pic Games sa archery competition.

Sumali ang dalawang batang recurve archers na nakilala sa paglahok sa Batang Pinoy sa YOG Continental Quota Tour­na­ment na isinabay sa Asian Archery Champion­ships sa Chinese-Taipei at na­kuha ni Moreno ang gin­to, habang pilak ang ibi­nigay ni Gotuaco.

Pinangunahan ni Mo­reno, apo ni ‘Master Show­man’ host German Mo­reno,  ang qualification tangan ang 614 puntos at tinalo sa semifinals si Prennoy Murong ng Bangladesh, 6-2.

Si Indonesian archer Panjiaji Bukhori Rahmat ang nakaharap ng 15-an­yos na si Moreno at lumabas ang pinakamahusay ni­yang porma para sa  6-0 ta­gumpay.

Muntik nang maka-da­lawang ginto ang Pilipinas pero minalas si Gotua­co na natalo ni Aruzhan Abrazak ng Kazakhstan sa one-arrow shootoff, 9-8, para isuko ang 5-6 pag­katalo.

Si Gotuaco na may 614 puntos sa qualification kasunod ang 626 ni Ab­razak, ay nakapasok sa finals sa 6-2 panalo kay Oyuntungalag Chimedtseren ng Mongolia.

Isa pang lahok ng Pi­lipinas na si John Philip San­tiago ay umabante pe­­ro tumapos siya sa ika-15th puwesto.

 

ARUZHAN ABRAZAK

ASIAN ARCHERY CHAMPION

BATANG PINOY

BIANCO GO

CONTINENTAL QUOTA TOUR

GERMAN MO

JOHN PHILIP SAN

MORENO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with