Toroman sinibak ng Barako Bull

MANILA, Philippines - Simula sa susunod na 39th season ng PBA ay hindi na makikita sa bench ng Barako Bull si ‘active consultant’ Rajko Toroman.

Sinibak kahapon ng Energy management si Toroman makaraang mabigo ang koponan na makapasok sa Finals ng nakaraang 2013 PBA Commissioner’s at Governors’ Cup.

May kontrata pa ang Serbian coach na si Toroman, dating mentor ng Smart Gilas, sa Barako Bull hanggang sa susunod na taon.

Inangkin ni Toroman, napatalsik sa Petron Blaze bilang consultant matapos ang 2013 Philippine Cup, ang trabaho ni Bong Ramos bilang head coach ng Energy.

Sinasabing hindi na-ging masaya ang management sa kabiguan ni Toroman na maigiya ang Barako Bull sa Finals ng nakaraang Commissioner’s at Governors’ Cup na pinagharian ng Alaska at San Mig Coffee, ayon sa pagkakasunod.

Kabilang sa mga sinasabing nasa listahan ng Energy bilang kapalit ni Toroman ay sina Leo Austria, naghatid sa San Miguel Beermen sa titulo ng nakaraang Asean Basketball League (ABL) at Petron team manager Siot Tanquingcen.

Show comments