Bryant sabik nang maglaro sa darating na season

LOS ANGELES - Ang katatagan ni NBA superstar Kobe Bryant ay masusubukan ngayong season sa pagbabalik ng 35-anyos mula sa isang Achilles tendon injury.

Hindi makakasama si Bryant sa court sa pagsagupa ng Los Angeles Lakers sa Clippers sa pagsisimula ng ka­nilang 2013-14 campaign sa Martes.

Hindi pa alam kung kailan siya magbabalik matapos ang isang surgery noong Abril.

“It’s the explosiveness,” sabi ni Bryant. “The explosiveness and the muscle endurance which takes a little time.”

“I have to get my fat ass in shape, too. When I’m ready, I’m ready,” dagdag pa nito.

Maglalaro si Bryant para sa kanyang ika-18th NBA season.

Kumpiyansa si Lakers coach Mike D’Antoni na makakabalik sa kanyang porma si Bryant.

“It’s maybe just one more thing that pushes him,”wika ni D’Antoni. “But he doesn’t really need it.”

 

Show comments