Pingris muling lumuha sa paghahari ng Mixers
MANILA, Philippines - Katulad ng kanyang naÂramdaman matapos maÂkamit ng Gilas Pilipinas ang isang tiket para sa 2014 FIBA World ChamÂpionships noong Agosto, ibinulalas din ni Marc Pingris ang kanyang emosyon ilang minuto maÂtapos makuha ng San Mig Coffee ang korona ng 2013 PBA Governors’ Cup noong Biyernes ng gaÂbi.
“Nagpapasalamat ako kay Lord. Binigay namin lahat, win or lose,†sabi ng 6-foot-5 na si Pingris habang lumuluha.
Naglista ang 32-anyos na si Pingris ng 19 points, 17 rebounds, 2 assists at 5 shotblocks sa 87-77 panaÂlo ng Mixers kontra sa Petron Blaze Boosters sa Game Seven para angkinin ang kanilang pang-10 PBA championship.
Sa kanyang kabayaniÂhan sa Game Seven ay kiÂnilala si Pingris bilang Finals Most Valuable PlaÂyer.
Hindi inintindi ni Pingris ang sprain sa kanyang paa mula sa Game Six noong Miyerkules.
Ang huling ginawa ni Pingris para sa panalo ng San Mig Coffee ay ang pagsupalpal kay 6’5 imÂport Elijah Millsap ng PeÂtron sa natitirang 23 seÂgundo.
“Iniisip ko lang, laro lang talaga eh. Hindi ko na inisip ‘yung sakit (ng kaÂtawan),†ani Pingris sa kanyang injury.
- Latest