CHICAGO -- Umiskor si Derrick Rose ng 32 points, kasama dito ang walo sa huling tatlong miÂnuto sa fourth quarter para igiya ang Chicago Bulls sa 103-98 pre-season win laban sa Indian Pacers.
Nag-ambag si Luol Deng ng 22 markers para sa Bulls na may 5-0 record sa pre-season.
Naglista rin si Rose, nagÂlaro sa loob ng 31 miÂnuto, ng 9 assists at tumipa ng 9-for-15 fieldgoals shooting.
Binanderahan naman ni Paul George ang Pacers (0-5) mula sa kanyang 22 points.
Naglaro ang Bulls na waÂla sina Jimmy Butler (left knee contusion) at JoaÂkim Noah (right groin strain).
Ito ay isang preseason game, ngunit ang kapaligiran sa United Center ay tila isang regular-season.
Inaasahang maglalaban ang Bulls at ang Pacers paÂra sa Central Division title sa darating na season.