AUBURN HILLS, Mich. – Inaasahang mawawala si Detroit Pistons guard Brandon Jennings ng tatlong linggo dahil sa problema sa isa niyang wisdom tooth. Ayon sa Pistons, irere-evaluated si Jennings matapos ang tatlong linggong immobilization period. Mayroon siyang impacted wisdom tooth at hairline fracture sa mandible sa pinakapuno ng kanyang ipin.
Nakuha si Jennings sa trade nitong offseason para maging bagong point guard ng Detroit na bahagi ng overhaul ng team na kumuha rin kina free agents Josh Smith at Chauncey Billups.