Sabillo gustong ipakilala ang sarili sa mga Pinoy
MANILA, Philippines - Ang pagkakataong muÂÂling maipaÂkita ang baÂÂngis sa loob ng boÂxing ring ang isa sa magpapaÂsigla kay Merlito Sabillo sa pagÂsalang niya sa maÂkaÂsayÂsayang Pinoy Pride XXIII sa Nobyembre 30 sa Smart Araneta ColiseÂum.
Isang mandatory defense ang gagawin ni SabilÂlo sa hawak na WBO miÂnimumweight title kontra sa walang talong si 21-anyos Carlos Buitrigo (27-0-0, 16 KOs) ng NicaÂragua.
“Excited ako dahil magÂkakaroon uli ako ng pagÂkakataon na lumabas sa harap ng aking mga kaÂbabayan. Gusto kong guÂmawa ng pangalan sa munÂdo sa harap nila at paÂtutunayan ko sa lahat na karapat-dapat ako na maÂging world champion,†wika ng 29-anyos na si Sabillo nang dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s MaÂlate kahapon.
Nanguna sa mga bisita si ALA Promotions vice president Dennis Cañete at ipinagmalaki niya na bagong marka ang gagawin ng Pinoy Pride dahil hinÂdi isa kundi dalawa ang title fights na mangyaÂyari at tatlo pang panlaban ng ALA ang sasalang sa gabi ng sagupaan.
Si Donnie Nietes na kamÂpeon sa WBO light flyÂweight class ay magdeÂdepensa rin ng titulo laban sa di pa pinapangalanang katunggali.
Si CoÂlomÂbia fighter GabÂriel MenÂÂdoza ang kiÂnukuha para labanan si Nietes, ngunit hindi tiyak ito dahil hindi pa puÂmaÂpayag ang nasabing boksingero.
- Latest