^

PM Sports

Idinaan sa social media ang panawagan para sa dasal Bahay ni Donaire sa Talibon, Bohol napinsala ng lindol

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isa ang orihinal na ta­hanan ni Filipino boxing superstar Nonito ‘The Fi­lipino Flash’ Donaire, Jr. sa mga napinsala sa 7.2-magnitude earthquake na tumama sa Bohol at sa iba pang probinsya sa Vi­sa­yas kahapon.

Sa pamamagitan ng kan­yang Facebook account ay nanawagan si Do­naire sa kanyang mga ka­babayan ng dasal para sa mga naapektuhan ng lin­dol.

“Please send prayers to Bohol and Cebu for the earthquake that affec­ted many lives. #GodHelpUs,” wika ng 30-anyos na si Donaire.

Ang 30-anyos na si Do­naire ay tubong Talibon, Bohol bago nanirahan sa United States sa edad na 6-anyos.

Sa kanyang mga su­mu­nod na posts ay guma­mit siya ng mga salitang Filipino, Spanish at Japanese.

“If I flooded your time­line w/ different lan­gua­ges I’m sorry but Bohol and Cebu need our pra­yers. A 7.2 earthquake hit destroying buildings and they have no power,” pa­liwanag  ni Donaire.

Kasalukuyang nag-e­ensayo si Donaire sa Las Vegas, Nevada para sa kan­yang rematch kay Vic ‘The Raging Bull’ Dar­chinyan sa Nobyembre.

Ipinoste din ni Donaire ang larawan ng kanilang tahanan noong 2009.

“For all of you that don’t know, the earthquake hit my birthplace of Bohol. Here’s a video ta­ken in 2009 of the house I was born in that is now destroyed,” ani Donaire sa link sa isang news segment noong Abril ng 2009 na nagpakita sa pagbisita niya sa Talibon, Bohol.

Maski ang mga mi­yem­bro ng Philippine Azkals ay naramdaman ang la­kas ng lindol.

Ang Azkals ay nasa Ba­colod City, ilang daang ki­lometro mula sa Cebu Ci­ty, para sa 2013 Peace Cup.

Akala nina Azkals pla­yers Jerry Lucena at Paul Mulders ay may umuuga sa kanilang mga kama.

“Sobrang lakas, ‘yung ceiling at walls mararam­daman mo talaga na mo­­ving. Nagtakbuhan na ta­laga ka­mi, sobrang ma­ra­­ramda­man mo talaga ‘yung la­kas eh, ‘yung bed gu­ma­ga­­law talaga,” ku­wen­to na­­man ni Azkals’ team cap­tain Chieffy Ca­lig­dong.

ANG AZKALS

AZKALS

BOHOL

BOHOL AND CEBU

CEBU CI

CHIEFFY CA

DONAIRE

IF I

JERRY LUCENA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with