Heat tinalo ang Bobcats sa pre-season game

KANSAS CITY, Mo. -- Tinalo ng two-time defending NBA champions Miami Heat ang Charlotte Bob­cats, 86-75, sa kanilang preseason game.

Umiskor si LeBron James ng 20 points para sa Heat (3-0), habang nagtala si Mario Chalmers ng 10 points at 4 assists.

Nagdagdag naman si Michael Beasley ng 13 points pa­ra sa Miami.

Ito ang ikaapat na pagkakataon na naglaro ang Heat ng isang exhibition game sa Kansas City na itinu­ring nilang ‘homecourt’.

“It’s a great crowd,” ani James. “Obviously they love us and we’re very thankful that they welcome us with open arms every time we come here and play. It’s fun to play in front of a crowd like that.”

Tumipa si Al Jefferson ng 11 markers para sa Charlotte (0-2) kasunod ang 10 ni Jeff Taylor.

 

Show comments