Pangilinan interesado sa Golden State Warriors
MANILA, Philippines - Matapos mabigo sa planong bilhin ang majo-rity stake sa Sacramento Kings franchise, hindi pa rin sumusuko si Filipino businessman at No. 1 sports patron Manny V. Pangilinan na maging bahagi ng NBA.
Ayon sa isang ource, tinitingnan na ngayon ni Pangilinan, mas kilala bilang MVP, ang Golden State Warriors.
Nagkomento si Pangi-linan ukol sa pagnanais sa Golden State franchise.
“Yes, I said (before) that I remained interested in an NBA team, even in a modest stake – just to learn,†sabi ni Pangilinan sa isang text message na ipinasa sa media ni Pato Gregorio ng MVP Group.
Sinabi ng source na dahil maraming Pinoy sa California, may pag-asa sa hangarin ni MVP na maging bahagi ng Golden State franchise.
Dumating sa bansa si NBA commissioner David Stern para sa pre-season game ng Indiana Pacers at Houston Rockets noong isang gabi sa Mall of Asia Arena at nagkausap sila ni Pangilinan at posibleng natalakay nila ang intensiyon nitong maging bahagi ng NBA.
“He (Stern) said we’d be welcome although franchise prices have gone up,†dagdag ni Pa-ngilinan.
Noong 2010, ang Golden State franchise ay ibinenta ni Chris Cohan kay Joe Lacob at sa kanyang partner na si Peter Guber ng Mandalay Entertainment sa halagang $450 million.
Sa pinakahuling report sa Yahoo! Sports, ang Golden State franchise ay nagkakahalaga na ngayon ng $800 million.
May plano rin si Pangi-linan na magdaos ng ikalawang Smart All-Stars na unang naganap noong 2011 sa Smart Araneta Coliseum kung saan dumating ang mga NBA superstars na sina Kobe Bryant, Derrick Rose, Kevin Durant at Chris Paul sa exhibition game laban sa PBA selection.
Nanalo ang NBA team nang walang hirap sa 131-105 iskor.
- Latest