QUARTERFINALS
TEAM W L
#-Cagayan 11 0
#-Phl Army 9 2
#-Smart 7 4
#-Phl Air Force 6 5
x-Meralco 4 7
x-PNP 2 9
#-sigurado na sa Final 4
x-wala nang pag-asa
Laro NGAYON
(The Arena, San Juan City)
2 p.m. – PNP vs Air Force
4 p.m. – Cagayan vs Army
6 p.m. – Meralco vs Smart-Maynilad
MANILA, Philippines - Palawigin sa 12 sunod na panalo ang layunin ng CagaÂyan Province sa pagÂtatapos ng quarterfinal round ng Shakey’s V-League Season 10 Open Conference sa The Arena sa San Juan CiÂty.
Katipan ng Lady RiÂsing Suns ang Philippine Army sa larong maitutuÂring na championship preÂview.
Wala ng pinaglalabaÂnan dahil kumpleto na ang apat na koponang maglaÂlaro sa Final Four.
Ang Cagayan at Army siyang No. 1 at No. 2 teams, habang ang Smart at Air Force ang No. 3 at No. 4, ayon sa pagkakasuÂnod.
Sasalang din sa laro ang Air Women at Net SpiÂkers laban sa PhilipÂpine National Police at Meralco sa ganap na alas-2 ng hapon at alas-6 ng gabi at may posibilidad pang magtabla ang Smart at Air Force sa 7-5 baÂraha.
Pero hindi mababago ang kanilang mga puwesÂto dahil ang Smart ay may mas magandang quotient kumpara sa PAF.
Aasa muli ang CagaÂyan sa mahusay na spiÂkers na sina Thai import KanÂnika Thipachot bukod pa sa mga locals na sina AiÂza Maizo at Angeli TaÂbaquero.