Chiefs giniba ang Generals para sa tsansa sa Final Four

MANILA, Philippines - Nagtala si John Pinto ng 18 points para igiya ang Arellano University sa 71-70 panalo laban sa Emilio Aguinaldo College at buhayin ang kanilang tsansa sa Final Four ng 89th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Kung nanalo ang Generals ay pormal nang masisibak sa Final Four ang Chiefs.

Si Pinto ang nagbigay sa Chiefs ng 71-69 abante sa huling 39.9 segundo sa final canto mula sa kanyang baseline jumper.

Tumipa naman si John Tayongtong ng isang free throw na nagdikit sa Generals sa 70-71 agwat.

Matapos ang mintis ng Arellano ay nagkaroon pa ng tsansa si Tayongtong na maisalba ang EAC kundi lamang siya nagmintis.

Nagdagdag si Prince Caperal ng 14 markers.

Arellano 71 -- Pinto 18, Caperal 14, Forrester 8, Ago­vida 8, Hernandez 6, Serjue 6, Jalalon 5, Salcedo 4, Bangga 2, Gumaru 0, Cadavis 0, Enriquez 0.

EAC 70 -- Jamon 21, Happi 17, Arquero 11, Tayongtong 6, Morada 5, Paguia 4, Onwubere 4, King 2, Munsayac 0.

Quarterscores: 17-13; 39-31; 59-47; 71-70.

 

Show comments