‘Bone Crusher’ ang unang ka-sparring ni Pacquiao
MANILA, Philippines - Isang 160-pound mid-dleweight fighter ang inilaban kay Manny Pacquiao kahapon sa unang araw ng kanyang sparring bilang paghahanda sa kanyang laban kontra kay Brandon Rios sa Macau.
Walang nagawa si Marlon Alta, may tagu-ring ‘Bone Crusher,’ nang sinabihan itong makipag-sparring kay Pacquiao sa Wild Card Gym sa Ge-neral Santos City.
Si Min Wook Kim dapat ang ka-sparring ni Pacquiao ngunit ang WBO Orient Pacific welterweight champion ay hindi nakasakay ng eroplano mula sa South Korea.
Nakipagpalitan ng suntok si Alta, 23-gulang na local boxer na may 12-3-0 record kabilang ang nine knockouts, kay Pacquiao sa loob ng tatlong rounds.
“Sparring went three rounds,†sabi ni Mike Koncz, Canadian adviser ni Pacquiao. “It went very well. Manny started to take control at the start of the second round and had complete control by the third.â€
Ito ang unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon na naki-pagsuntukan si Pacquiao. Ang huling laban niya ay noong Disyembre ng nakaraang taon nang patulugin siya ni Juan Manuel Marquez sa ikaanim na round sa Las Vegas.
Hangad ni Pacquiao, natalo rin kay Tim Bradley noong nakaraang taon, na makabawi sa dalawang pagkatalo sa pakikipagharap kay Rios sa Nov. 24 (Nov. 23 sa United States) sa The Venetian sa Macau.
Hindi puwedeng ma-ging kampante si Pacquiao laban kay Rios dahil kapag natalo pa siya ay katapusan na ng kanyang makulay na boxing career.
Sinimulan ni Pacquiao ang training, ilang linggo na ang nakakaraan sa pamamagitan ng morning runs at gym sessions sa hapon at naglalaro rin siya ng basketball.
Ngayong nagsimula na siya sa sparring, magiging intense na ang kanyang training.
Sinabi ni Koncz na luluwas ng Manila ngayon si Pacquiao para sa isang commitment at inaasahang magsasanay sa Lunes at Martes sa kanyang sariling gym sa Sampaloc, Manila.
- Latest