^

PM Sports

AFP, PhilHealth nakauna

Pang-masa

Laro sa October 6

( Treston College Gym, Global City, Taguig)

4 p.m. – PNP vs PhilHealth

5:30 p.m. – AFP vs Judiciary

 

MANILA, Philippines - Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at PhilHealth nang kanilang durugin ang Congress/LGU at Metro Manila Development Authority (MMDA) sa 1st UNTV Cup quarterfinals noong Linggo sa Treston College Gym sa Global City, Taguig.

May 27 puntos si Wins-ton Sergio habang 25 ang naihatid ni Wilfredo Casulla para sa AFP na naglaro ng wala ang dalawang higante para umabante na sa semifinals.

Si Richard Dominic Hernandez ay mayroong 17 puntos para pamunuan ang tatlong manlalaro ng PhilHealth upang kunin ang 87-65 panalo sa MMDA sa isa pang laro.

Sa Oktubre 6 gagawin ang semifinals at kalaro ng PhilHealth ang No. 1 team na Philippine National Police (PNP) habang ang AFP ang kalaro ng Judiciary.

Dahil umabante agad mula sa elimination round nang pangunahan ang yugto, ang PNP (6-0) at Judiciary (4-2) ay may bitbit na twice-to-beat advantage sa kanilang mga kalaro.

 

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DAHIL

GLOBAL CITY

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SA OKTUBRE

SI RICHARD DOMINIC HERNANDEZ

TAGUIG

TRESTON COLLEGE GYM

WILFREDO CASULLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with