MANILA, Philippines - Nabiktima uli ang 89th NCAA basketball ng malakas na ulan dulot ng habagat.
Ang laro kahapon na dapat katampukan ng San Sebastian-St. Benilde at Arellano –Jose Rizal University sa juniors at seniors ay ipinagpaliban dahil sa malakas na ulan na nangyari mula pa noong Linggo.
Dahil kapakanan ng mga mag-aaral, atleta, opisyales at tagahanga ang nasa isipan ng pamunuan kaya’t dali-dali nilang dinesisyunan ang pagpapaliban ng laro.
“The NCAA has decided to cancel the basketball game today, Sept. 23, 2013 due to floods and bad weather. Also, the safety of the athletes and students is more important to the association. Schedules for the following matches will be announced at a later date,†wika ng kalatas galing kay NCAA MANCOM chairman Dax Castellano ng St. Benilde.
Ang di inaasahang pagpapaliban ng laro ay magpapahaba pa sa iskedyul ng pinakamatandang collegiate league sa bansa.
Sa orihinal na plano, ang elimination round ng 10 koponang liga ay matatapos sa Oktubre 21 ngunit inaasahang aabante ito kung hindi hahanap ng paraan ang pamunuan na isingit ang mga ‘di nai-daos na laro sa ibang nakahanay na playdates.
Walang makakawalis sa kasaling koponan para magkaroon ng Final Four at kung masagad ang mga teams na may twice-to-beat at ang best-of-three finals ay umabot sa deciding game, malinaw na mangangaila-ngan pa ng limang laro sa playoffs para pumasok sa buwan ng Nobyembre ang tapos ng NCAA.