Pacquiao-Mayweather fight gustong solohin ng Golden Boy
MANILA, Philippines - Papayag lamang ang Golden Boy Promotions na maitakda ang banggaan nina Floyd Mayweather, Jr. at Manny Pacquiao sa susunod na taon kung sila lamang ang magiging promoter ng naturang mega fight at hindi kasama ang Top Rank Promotions ni Bob Arum.
Ito ang pahayag ni Richard Schaefer, ang Chief Executive Officer (CEO) ng Golden Boy Promotions ni Oscar Dela Hoya, sa panayam ng BoxingScene.com.
“When you do a Pacquiao fight, if we would be the sole promoter of that fight, I have no doubt that it would be a huge, huge fight as well and it would have a potential to break the records,†wika ni Schaefer.
Gusto ng Golden Boy, ang co-promoter ni Mayweather, na masolo ang kikitain ng sagupaan ng 34-anyos na si Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) at ng 36-anyos na si Mayweather (45-0-0, 26 KOs) kung ito ay matutuloy.
Hindi kasundo ng Golden Boy ni Dela Hoya ang Top Rank ni Arum na siyang nagpo-promote kay Pacquiao.
“If you deal with people who don’t have the access or the reach to activate the market and the same priorities, I think it makes it very difficult to do that,†pagtukoy ni Schaefer sa 81-anyos na si Arum.
Sa kanyang unanimous decision win laban sa 23-anyos na si Canelo Alvarez ay kumita si Mayweather ng record purse na $41.5 milyon, habang nakatakda namang tumanggap si Pacquiao ng guaranteed prize na $18 milyon sa kanyang pagharap kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios sa Nobyembre 24.
Matapos talunin si Alvarez ay sinabi ni Mayweather na plano pa niyang lumaban ng dalawang beses sa 2014, ngunit wala sa kanyang listahan si Pacquiao.
“Maybe Pacquiao will have to take a hard look at this situation and decide what he wants to do. Pacquiao has clearly lost some of the luster but it’s still Manny Pacquiao,†ani Schaefer. “Manny Pacquiao, whether you win some or lose some, is a terrific fighter and a very entertaining fighter.â€
- Latest