Biado pinayagang maglaro sa SEA Games
MANILA, Philippines - Binigyan ng go-signal ni Bugsy ProÂmotions owner Perry Mariano si CarÂlo Biado na makasama sa bubuuing naÂtional team para sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre.
Ayon kay Mariano, kinausap siya ng BSCP para hiramin si Biado at itaÂtamÂbal sa isa pa niyang manlalaro na si 2011 Indonesia 8-ball gold medalist DenÂnis Orcollo.
Si Biado, umabot sa semifinals sa World 9-ball Championship sa Doha QaÂtar, ang siyang No. 2 sa world ranÂkings na ipinalabas ng World Pool AssoÂciation noong Setyembre 14.
Si Orcollo ang nasa ikatlo at si Lee Van Corteza ang nasa ikaapat na puwesto sa talaang pinamumunuan ni World 9-ball champion Thorsten Hohmann ng Germany.
Bagama’t mataas ang mga rankings, hindi naman ginagarantiya ni Mariano ang ginto sa mga paglalaruang events ng mga alipores.
Dahil sa bumababang antas ng pool sa bansa ay nananawagan muli si MariaÂno sa Philippine Olympic Committee (POC) na pinamumunuan ni Jose Cojuangco Jr. na kumilos na at ayusin ang probÂlema sa BSCP.
- Latest