MANILA, Philippines - Hindi maitatanggi na gusÂto pa ring mapanoÂod ng mga boxing fans ang banggaan nina Manny PacÂquiao at Floyd MayÂweaÂther, Jr.
Sa isinagawang online poll ng Sports Nation ng ESPN, lumabas sa inisyal na 40,000 boto na halos 58 porsiyento nito ay nais maÂtunghayan ang Pacquiao-Mayweather mega showÂdown sa 2014.
Ang tanong sa mga onÂline voters ay kung sino ang gusto nilang labanan ng 36-anyos na si MayÂweÂaÂther matapos nitong taÂluÂnin ang 23-anyos na si CaÂÂnelo Alvarez via unanimous decision noong nakaraang Linggo.
Nauna nang sinabi ni Mayweather na plano pa niÂyang lumaban ng dalawang beses sa susunod na taon, ngunit wala sa kanyang listahan si Pacquiao.
Tatlong beses bumagsak ang negosasyon para sa laban nina Pacquiao at Mayweather mula sa isyu ng hatian sa prize money, pagÂsailalim sa isang random drug at blood testing.
Kumpara kay MayÂweaÂther (45-0-0, 26 KOs) na hindi pa rin nakakatikim ng isang kabiguan sa kanÂyang career, dalawang beÂses namang natalo si PacÂquiao (54-5-2, 38 KOs) noong nakaraang taÂÂon.
Sa kanyang panalo kay Alvarez ay nagtala si MayÂÂweather ng record na $41.5 milyong premyo.
Tatanggap naman ang Filipino world eight-diÂvision champion na si PacÂquiao ng guaranteed prize na $18 milyon sa kanÂyang pagharap kay BranÂdon ‘Bam Bam’ Rios sa Nobyembre 24 sa Macau, China.