Bennett naghahanda

CLEVELAND -- Ipinagpatuloy ni Cavaliers forward Anthony Bennett, ang No. 1 pick sa nakaraang NBA Draft, ang kanyang paglalaro ng five-on-five bas­ketball sa unang pagkakataon matapos ang ilang bu­­wan, ayon sa Yahoo! Sports.

Sumailalim ang dating UNLV star sa isang rotator cuff surgery sa kaliwang balikat noong Mayo at inaa­sahang magpapahinga ng apat na buwan.

Hindi siya nakalaro sa summer league sa Las Vegas da­hil sa kanyang operasyon.

Makikipag-agawan si Bennett, maaaring lumaro sa small at power forward position, kina Tristan Thompson at Anderson Varejao para sa starting spot.

Nagtala ang 6-foot-8 at 240-pounder na si Bennett, isang Canadian, ng mga averages na 16.1 points at 8.1 rebounds per game sa kanyang tanging season sa UNLV noong 2012-13 at naging dominante sa Mountain West Conference.

Show comments