^

PM Sports

No. 2 spot pag-aagawan ng La Salle, FEU

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Winalis ng Green Ar­chers ang kanilang kabu­uang pitong laro sa se­cond round at makakuha ng playoff para sa No. 2 seat sa Final Four ng 76th UAAP men’s basketball tour­nament.

Sumasakay sa isang se­ven-game winning streak, sasagupain ng De La Salle University ang Far Eastern University sa isang playoff para sa No. 2 tiket ngayong alas-4 ng ha­pon sa Mall of Asaia Are­na sa Pasay City.

Nauna nang inangkin ng National University ang No. 1 spot at makaka­la­­ban ang No. 4 Universi­ty of Sto. Tomas sa Final Four.

Ang No. 1 at No. 2 teams ang hahawak ng ‘twice-to-beat’ advantage sa semifinals.

“We take things on a per day basis. We work hard in practice, and hopefully, we’re able to bring those things out during the games,” sabi ni rookie coach Juno Sauler sa kanyang Green Archers.

Kapwa nagtapos na may 10-4 record ang NU, FEU at La Salle sa elimi­na­tion round.

Ngunit dahil sa superior quotient ng Bulldogs ay nakamit nito ang No. 1 seeding sa Final Four.

Muling pangungunahan nina Jeron Teng, LA Re­villa, Norbert Torres, Al­mond Vosotros, Jason Per­kins at Arnold Van Ops­tal ang Green Archers ka­tapat sina 2013 Most Va­luable Player Terrence Ro­meo, RR Garcia, Mike To­lomia, Anthony Hargrove, Carl Bryan Cruz at Roger Pogoy ng Tamaraws.

Tinalo ng FEU ang La Salle sa first round, 83-79, habang rumesbak na­man ang Taft-based school mula sa kanilang 75-66 pa­nalo sa se­cond round.

“We are satisfied, but I’m not saying na nando­on na kami sa level na gus­to namin,” ani mentor Nash Racela sa Tamaraws. “We are still wor­king on a lot of things. We are hoping that, by Final Four, napasok na namin ang kailangan namin.”

ANG NO

ANTHONY HARGROVE

ARNOLD VAN OPS

CARL BRYAN CRUZ

DE LA SALLE UNIVERSITY

FINAL FOUR

GREEN ARCHERS

LA SALLE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with