Stags nagpatibay sa third place

MANILA, Philippines - Pinabagsak ng San Sebastian College ang Lyceum, 58-53, para lumakas pa ang paghahabol sa Final Four sa 89th NCAA men’s basketball tournament kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Si Jaymar Perez ay tu­mapos na may 28 points at 11 rebounds at siyang nagpasimula sa paglayo ng Stags sa kaagahan ng huling yugto.

Naghabol ang Pirates at nakadikit sa dalawang pun­tos, 55-53, sa limang di­retsong puntos ni Shane Ko sa huling 25 segundo pero gumawa ng apat na puntos ang Stags para ma­nalo.

Si  Ko ay nagtala ng 11 points, habang sina Dexter Zamora at Issah Mbomiko ay kumamada ng 12 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Kakailanganin ng Pirates na walisin ang nala­labing limang laro para magkaroon ng tsansa sa playoff para sa Final Four.

Lumapit naman ang San Beda Red Cubs sa sa pagwa­li­s sa 14 laro sa ju­­niors division matapos ku­nin ang 86-71 panalo kon­tra sa St. Benilde-La Salle Greenhills at tinuhog ng San Sebastian Staglets ang  ika-11 panalo nang ilampaso ang Lyceum Junior Pirates, 96-60.

 

Show comments