^

PM Sports

Pagkuha kay Kirilenko kinuwestiyon ng iba

Pang-masa

BROOKLYN -- Maraming kumuwestiyon sa pagkuha ng Brooklyn Nets kay Andrei Kirilenko noong Hulyo.

Una ay ang problema ng Nets sa kanilang luxury tax bill na lalong bibigat sa pagpapapirma sa dating Utah Jazz at Minnesota Timberwolves forward na tu­manggap ng $9.8 milyon noong nakaraang season.

Ibinabandera rin ng Nets sina Deron Williams, Brook Lopez at Joe Johnson bukod pa sa paghugot ki­na Paul Pierce at Kevin Garnett.

Sa paglipat sa Brooklyn ay tinanggihan ng 32-an­yos na si Kirilenko ang naunang alok na $10 million pla­yer option ng Minnesota.

Mas pinili  ng Russian cager na lumagda kay Nets owner at Russian billionaire Mikhail Prokhorov.

Si Kirilenko ay naging player ni Prokhorov sa ko­po­nang CSKA Moscow noong 1998 hanggang 2001.

“Let’s see if the league has any credibility,” wika ng isang NBA owner sa Yahoo Sports.

“It’s not about stopping it. It’s about punishing them if they’re doing it.”

“There should be a probe. How obvious is it?” sabi naman ng isang Eastern Conference General Manager.

“When there is a formal complaint, the league will look into it,” wika ng isang NBA official.

ANDREI KIRILENKO

BROOK LOPEZ

BROOKLYN NETS

DERON WILLIAMS

EASTERN CONFERENCE GENERAL MANAGER

JOE JOHNSON

KEVIN GARNETT

MIKHAIL PROKHOROV

MINNESOTA TIMBERWOLVES

PAUL PIERCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with