DENVER -- Mula sa isang pagiging basketball plaÂyer ay tinanggap ni Jared Jeffries, isang 11-year NBA veteran, ang isang front-office job sa Denver Nuggets, sabi ng league sources sa Yahoo Sports.
Sisimulan niya ang kanyang post-playing career sa pamamagitan ng scouting role.
Ang 31-anyos na si Jeffries ay kaibigan ni Nuggets general manager Tim Connelly.
Si Connelly ay nagtrabaho sa Washington front office nang naglalaro pa si Jeffries para sa Wizards noÂong 2002 hanggang 2006.
Inilaro ni Jeffries ang kanyang final season para sa Portland Trail Blazers kung saan siya nakita sa 38 asigÂnatura.
Sa kanyang 11 taon sa NBA, kumampanya si Jeffries para sa Washington, New York, Houston at Portland.
Makakasama ni Jeffries front office ng Nuggets siÂna assistant general manager Arturas Karnishovas at diÂrector of basketball operations Ben Tenzer.
Kinuha ng Washington si Jeffries bilang 11th overall pick noong 2002 NBA draft mula sa Indiana UniÂverÂsity.