^

PM Sports

Alaska umabante sa quarterfinals

Pang-masa

MANILA, Philippines - Alam ni coach Luigi Tril­lo na ang matibay na de­pensa ang magpapasok sa kanila sa quarterfinal round.

At pinatunayan ito ng Alaska nang takasan ang Barako Bull, 91-89, para umabante sa quarterfinals ng 2013 PBA Governor’s Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Bumawi ang Aces mu­la sa isang eight-point de­fi­cit sa huling minuto ng fi­nal canto para wakasan ang kanilang two-game lo­sing slump kasabay ng pag­papalasap sa Energy ng ikatlong sunod na ka­ma­lasan nito.

Umasa ang Alaska ki­na JVee Casio, Calvin Abu­eva, Cyrus Baguio, To­ny Dela Cruz at import Wendell McKines sa fourth quarter para talunin ang Barako Bull.

Matapos ilista ng Ba­rako Bull ang 85-77 abante sa huling minuto ng fourth quarter ay tumi­pa naman si Casio ng da­lawang magkasunod na three-point shots para sa 83-85 agwat ng Alaska.

Ang dalawang charities ni Danny Seigle ang mu­ling naglayo sa Energy sa 87-83.

Nagsalpak ng tres si Baguio kasunod ang jum­per ni Dela Cruz para sa 88-87 bentahe ng Aces sa hu­ling 1:15 minuto.

Muling nakuha ng Ba­rako Bull ang unahan sa 89-88 sa nalalabing 23.5 se­gundo.

Umiskor si Dela Cruz ng split kasunod ang da­lawang free throws ni Mc­­Ki­nes para sa 91-89 aban­te ng Aces.

Alaska  91 - McKines 21, Baguio 15, Casio 14, Espinas 11, Thoss 8, Abueva 7, Hontiveros 7, Jazul 5, Dela Cruz 3.

Barako Bull 89 - Singletary 38, Buenafe 12, Seigle 11, Weinstein 7, Villanueva 7, Pennisi 7, Intal 3, Macapagal 2, Cruz 2, Marcelo 0, Jensen 0.

Quarterscores: 20-25; 39-39; 62-64; 91-89.

BARAKO BULL

CALVIN ABU

CASIO

CUNETA ASTRODOME

CYRUS BAGUIO

DANNY SEIGLE

DELA CRUZ

LUIGI TRIL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with