Mikee Cojuangco walang ipinagbago

MANILA, Philippines - Bagama’t naihalal sa isa sa impor­tan­teng posisyon sa Philippine sports, wa­lang ipinagbago si Mikee Cojuangco-Jaworski sa kanyang pakikisama at pa­nanamit.

Kasama ang amang si Philippine Olym­pic Committee president Jose ‘Pe­ping’ Cojuangco, Jr., pumasok si Co­juangco-Jaworski sa isang kuwarto sa Sha­key’s Malate branch para sa lingguhang PSA sports forum kahapon.

Kagaya ng kanyang nakaugalian, pu­ting long sleeve na nakatupi ang dalawang braso at asul na maong ang suot ng 39-anyos na asawa ni dating PBA pla­yer Robert ‘Dudut’ Jaworski, Jr. sa kan­yang kauna-unahang public appea­rance matapos maihalal bilang bagong mi­yembro ng International Olympic Com­mittee (IOC) noong nakaraang linggo.

Bilang kinatawan ng IOC sa bansa, ka­palit ng nagretirong si Francisco Eli­zalde, magkakaroon na siya ng limitas­yon ukol sa kanyang pagiging actress, television host at product endorser.

“Potential product endorsements will have to be cleared first with the IOC. And when I face the media I cannot just make certain comments (on certain issues),” sabi ng equestrian gold meda­list noong 2002 Busan Asian Games sa Ko­rea.

Kasama ang walo pa, ibinoto si Cojuangco-Jaworski bilang IOC member sa nakaraang 125th IOC Session sa Buenos Aires. 

Matapos hirangin ay tumanggap si Co­juangco-Jaworski ng isang libro ukol sa IOC code of ethics.

“You cannot violate the IOC code of ethics or you lose your job,” wika ng da­ting national equestrianne.

Ipinagmalaki naman ni Cojuangco ang pagkakaluklok sa kanyang anak sa IOC.

“To have a Filipino as member puts the Philippines in the world of sports. We are there. That in itself is an honor for the country. It puts our country in a position of importance,” ani Cojuangco.

Show comments