PNP may tsansa pa sa quarterfinals berth
TEAM W L
Cagayan 7 0
Phl Army 5 1
Phl Air Force 5 2
Smart 4 3
Meralco 3 4
Phl Navy 1 5
PNP 1 5
FEU 0 6
Laro SA BIYERNES
(The Arena, San Juan)
2 p.m.- FEU vs Army
4 p.m.- Navy vs PNP
MANILA, Philippines - Walang naipantapat ang FEU sa lakas nina Thai import Sangmuang PatÂcharee at Janine Nicole Marciano nang kunin ng Philippine National Police ang 25-20, 25-14, 20-25, 25-19 panalo para buhaÂyin ang pagÂhahabol sa isang quarterfinals seat sa ShaÂkey’s V-League Season 10 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Tumapos si Patcharee bitÂbit ang 23 puntos na kiÂÂnatampukan ng 21 kills buÂkod sa tig-isang block at serve, habang si MarÂciaÂno ay nagdagdag ng 21 hits, kasama ang 20 kills.
Ang pinagsamang 41 attack points ng dalawang Lady Patrollers ay kapos lamang ng dalawang kills sa 43 na ginaÂwa ng Lady Tamaraws para mamaalam na sa liga mula sa 0-6 baraha.
May pitong digs pa si Patcharee, may 14 hits si Frances Molina, habang gumawa ng 22 excellent sets si Ana Concepcion paÂra sa PNP na tinapos ang limang sunod na pagkatalo para magkaroon pa ng tsansang pumasok sa quarterfinals.
Huling laro ng PNP ay laban sa Navy sa Biyernes at ito ang magsisilbing knockout game para sa quarÂÂterfinals spot.
Pinalawig naman ng Air Force ang pagpapanaÂlo sa limang dikit nang kaÂlusin sa limang sets ang MeÂralco, 25-20, 12-25, 23-25, 25-23, 15-10, sa ikalawang laro.
Lumabas ang determiÂnasyon ng Air Women sa huling dalawang set at sina Judy Ann Caballejo, Maika Ortiz at Wendy Semana ang nagbida.
- Latest