Corteza, Gabica umabante

MANILA, Philippines - Nanaig sina Lee Van Corteza at Antonio Gabica sa mga nakaharap para umabante na sa third round sa 2013 World 9-Ball Championships kahapon sa Alarabi Sports Club sa Doha, Qatar.

Sinundan ni Corteza ang come-from-behind na 11-7 panalo kay Manuel Gama ng Portugal sa first round sa pamamagitan ng mas matinding 11-4 paggapi sa 2007 champion Daryl Peach ng Great Britain habang ang 2006 Asian Games gold medalist na si Ga-bica na tinalo si Nguyen Anh Tuan ng Vietnam, 11-8, sa first round, ay tumumbok ng 11-8 tagumpay laban  kay Oliver Ortmann ng Germany.

Maghahangad ng puwesto sa quarterfinals sina Corteza at Gabica laban kina Nick Ekonomopoulos ng Greece  at Ko Pin Yi ng Chinese Taipei na nanaig kina Mario He ng Austria (11-6) at Mika Immonen ng Finland (11-8), ayon sa pagkakasunod.

Show comments