Mikee Cojuangco-Jaworski okay kay Garcia na maging IOC representative sa Pinas
MANILA, Philippines - Masayang tinanggap ni Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia ang ulat na nakatakdang kilalanin si champion equestrienne Mikee Cojuangco-Jawors-ki bilang bagong International Olympic Committee representative sa Pilipinas.
Sinabi ni Garcia na dapat itong ituring na malaking pribilehiyo ukol sa pagkakaroon ng kinatawan ng IOC sa bansa.
Mayroong 204 member countries sa IOC, ngunit may 104 na lamang ang kinatawan ng IOC.
“First of all it’s a great honor to have an IOC representative to the Phi-lippines,†wika ni Garcia sa ulat na hinihintay na lamang ni Jaworski ang final confirmation mula sa IOC general assembly sa Buenos Aires.
Sa 70 kandidato, ang 39-anyos na si Jaworski ang nakapasok sa Top 40.
Ito ay tatapyasin sa final nine na inaasahang iluluklok ng IOC ngayong linggo.
Sinabi ni Garcia na mahalaga ang pagkakaroon ng IOC representative sa bansa.
“By having one, we will have a voice in the IOC,†wika ng chairman ng government sports agency kay Jaworski, isang gold medalist noong 2002 Busan Asian Games at anak ni Philippine Olympic Committee chief Jose Cojuangco.
Simula nang maging miyembro ang Pilipinas sa IOC o sa Olympic movement noong 1918, nagkaroon lamang ng dalawang IOC representatives sa bansa. Ang una ay si Jorge B. Vargas, ang lolo ni Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) president Ricky Vargas, na hinawakan ang posisyon noong 1936 hanggang sa kanyang kamatayan noong 1980. Ang pumalit sa kanya ay si Frank Elizalde na hinirang noong 1985.
- Latest