Judiciary asam ang semis

LARO NGAYON

(Fort Bonifacio Marine Corps Jurado Hall)

2:30 p.m. MMDA

vs Judiciary

4 p.m. PNP vs DOJ

5:30 p.m. PhilHealth vs AFP

 

MANILA, Philippines - Tatargetin ng Judicia­ry ang ikalawang auto­matic semifinals seat sa pagharap sa MMDA nga­yong alas-2:30 ng hapon sa 1st UNTV Cup sa Fort Bonifacio Marine Corps Jurado Hall sa Taguig City.

Nagmula ang Judicia­ry (3-2) sa isang masaklap na 89-92 overtime loss sa Philippine National Police (4-0).

Katabla ng Judiciary sa ikalawang puwesto ang Armed Forces of the Phi­lip­pines (3-2).

Haharapin ng AFP ang PhilHealth (2-2) sa alas-5:30 ng hapon matapos ang paghaharap ng PNP at ng Department of Justice (0-5) sa alas-3.

Show comments