Yalin Women’s 10-Ball C’ships qualifying

MANILA, Philippines - Magsisimula na ang labanan para sa mga slots sa Yalin Women’s World 10-Ball Championships sa Linggo kung saan ang una sa limang qualifying tournaments ay gaganapin sa  Los Angeles kasunod sa New Jersey sa Sept. 15 at ang ikatlong leg ay sa Florida sa Sept. 21.

May isa pang qualifying tournament sa Florida sa Sept. 28 bago ang two-day Manila qualifiers sa Oct. 28-29.

May Forty-eight players ang maglalaban-laban para sa titulo sa annual event na katatampukan ng mga top players sa buong mundo sa pamumuno nina world champions Jasmin Ouschan, Kelly Fisher at Filipina Rubilen Amit.

Ang championships ay sa Oct. 31-Nov. 4 sa Resorts World Manila.

“The World 10-Ball is where you get to play in the most exciting atmosphere in front of the world’s best fans,” sabi ni Ouschan, 2010 winner.

 

Show comments