Lakers pinapirma si Williams

Pinapirma ng Los Angeles Lakers si free agent forward Shawne Williams, ayon sa pahayag ng team ngunit hindi sinabi ang detalye ng kontrata.

 Hindi lumaro si Williams,  five-year NBA vete-ran, sa NBA noong nakaraang season matapos mag-average ng 4.5 points para sa New Jersey Nets noong 2011-2012 sa pagsalang sa 25 games, kabilang ang anim na larong starter siya.

Show comments