MANILA, Philippines - Ang mga kontrobersiya sa UAAP, ang nalalapit na international stint ng Philippine Malditas at ang Youth Olympic Games ang tatalakayin ngayon sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.
Dadalo sina UAAP secretary-treasurer Malou Isip at Adamson team manager Gilbert Cruz sa session na handog ng Shakey’s at Philippine Amusements and Gaming Corporation upang talakayin ang mga isyu sa kasaluku-yang Season 76 ng liga. Inimbitahan din si UAAP Commissioner Chito Loyzaga sa Forum na maririnig ng live sa DZSR Sports Radio 918.
Ang mga miyembro ng Malditas kasama si coach Ernie Nierras ay magbibigay naman ng update sa kanilang partisipasyon sa Asean Football Federation Women’s Championships sa Yangon, Myanmar habang si Philippine Chef De Mission Nathaniel ‘Tac’ Padilla ay darating din kasama si Asian Youth Games silver medalist Jurence Mendoza para talakayin ang susunod na pagkampanya ng Pinas sa Youth Olympic Games sa Nanjing, China.