PNoy Sports ilulunsad sa QC ngayon
MANILA, Philippines - Nakatakdang ilunsad ngayong araw ang PNoy Sports sa Quezon City Memorial Circle sa ganap na alas-8 ng umaga, isang kampanya para buhayin ang ethÂnic sports sa bansa at ibalik ang mga tradisyunal na laÂrong Pinoy.
Ang sports event na inihahatid ng Philippine ChaÂrity Sweepstakes Office ay mabilis na tugon sa panaÂwagan ni Pangulong Benigno Aquino III na paunlarin ang mga programang pangkalusugan.
Kaagad itong pinalantsa nina PCSO Chairman MarÂgie Juico at PCSO GM Ferdinand Rojas at nakipagÂtulungan sa Yellow Ribbon Movement.
Dadalo sa paglulunsad sa Quezon City Memorial Circle sina Vice Mayor Joy Belmonte, Councilor MaÂyen Juico , PCSO Chairman Juico, PCSO GM Rojas at YRM President Lyn Aguirre.
Halos 400 batang may edad na 7 hanggang 12-anÂyos ang maglalaro sa limang kategorya.
- Latest