Jamison lumagda na sa Los Angeles Clippers

LOS ANGELES -- Tu­luyan nang pumirma ng kontrata si free agent An­tawn Jamison para sa Los Angeles Clippers.

Maglalaro ang 37-an­yos na forward sa Clippers matapos makita sa star­ting five sa 76 laro ng La­kers noong nakaraang sea­son.

Nagposte si Jamison ng mga averages na 9.4 points at 4.8 rebounds.

Si Jamison ay isang two-time All-Star na ma­tu­tunghayan sa kanyang pang-16th NBA season.

Naglaro din siya para sa Golden State, Dallas, Wa­shington Wizards at Cleveland Cavaliers sa kanyang NBA career.

Nagtala si Jamison ng mga career averages na 18.8 points, 7.6 rebounds at 1.7 assists.

Show comments