^

PM Sports

McGrady tuluyan nang tinapos ang kanyang 16-year NBA career

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pormal na inihayag ka­hapon ng seven-time All-Star na si Tracy Mc­Grady ang kanyang pag­reretiro sa NBA.

“It’s been 16 years pla­ying the game I love,” sa­bi ni McGrady sa pana­yam ng ESPN. “I’ve had a great run, but it’s time for it to come to an end.”

Dahil dito ay tinapos ni McGrady ang kanyang 16 taong paglalaro sa NBA.

Naglaro ang 34-anyos na si McGrady sa China no­ong nakaraang season ba­go nakita sa aksyon pa­ra sa San Antonio Spurs sa kainitan ng NBA Playoffs.

Naglaro siya sa anim na postseason games para sa San Antonio.

Sa kabila ng kanyang pagreretiro sa NBA, sinabi ni McGrady na maaari pa rin siyang bumalik sa China.

“Officially retired from the NBA. Door’s still open,” sabi ni McGra­dy, naglaro para sa Qingdao Eagles sa Chinese Bas­­­ketball Association no­­­ong 2012-13 season ba­go bumalik sa NBA para maglaro sa Spurs.

Minsang nakatapat si­na Kobe Bryant at Vince Car­ter, kumampanya si Mc­Grady para sa Toronto Raptors, Orlando Magic, Houston Rockets, New York Knicks, Detroit Pistons, Atlanta Hawks at Spurs.

“Congrats to Tracy Mc­Grady on an awesome career,’’ sabi ni LeBron James ng two-time defen­ding champions na Miami Heat sa kanyang Twitter account. “7-time All-NBA (2 1st Team), 2-time sco­ring champ, and just an all-around dazzling ta­lent.’’

Si McGrady ang ninth pick noong 1997 Draft mu­­la sa high school at hi­nirang na Most Improved Player noong 2001.

Dalawang ulit siyang na­­nalo ng scoring titles no­­ong 2001-02 at 2002-03 seasons.

Nagposte siya ng mga career averages na 19.6 points, 5.6 rebounds at 4.4 assists.

Bago ihayag ang kanyang retirement, siya ang naging pang 10th active pla­yers na nagposte ng 18,381 points.

ATLANTA HAWKS

CHINESE BAS

DETROIT PISTONS

GRADY

HOUSTON ROCKETS

KOBE BRYANT

MIAMI HEAT

MOST IMPROVED PLAYER

SHY

TRACY MC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with